I.
Natuto si Mama ng Yahoo Messenger at Google Chat,
Kasi magkahiwalay kami.
Tatlong anak niya ang nasa New York,
Isa sa Samoa (at who the hell knows kung asan iyun),
Mga kapatid sa Samar,
Mga pamangkin sa Manila,
At mga pinsan sa Saudi, Netherlands,
Kung saan-saan pa.
Habang siya’y ‘asa California.
II.
Natuto si Mama ng Facebook,
Kasi kailangan niya ng litrato
Ng mga birthday,
Ng mga anniversary,
Ng Christmas,
Ng mga bakasyon,
Na hindi na niya makikita.
At sa Facebook, tag lang ang katapat
Ng paghihiwalay natin,
Ng pagbiyak ng puso
III.
Natuto si Mama na kaibiganin ang mga Pilipino na kapitbahay niya
Dahil marami na ring Pilipino sa kanila.
May sariling mga kamag-anak na pinadadalhan ng pera,
Hiwa-hiwalay din
Sa apat o limang kontinento sa mundo.
Sila’y tatayong pamilya para sa isa’t isa.
Aalagaan niya ang mga anak ng nurse sa kabila.
Didiligan nila ang mga halaman niya.
Tatayong ina, anak, tia at mga pinsan.
Tulad natin dito sa lugar na ito
IV.
Mga Pinay at Pinoy, Fil imm at Fil-Am.
Na hiniwalay mula sa pamilya, kamag-anak,
Mula sa barrio, baranggay at bayan.
Biniyak ang puso
At ngayon
Tatayong ina, ama, anak, kamag-anak sa bawat isa
Na nahandito sa lugar na ito.
Habang sa pamamagitan ng email, chat, Facebook at Friendster
Na lang ang pakikipag-usap sa mga naiwan at nasa malayo,
Tayo-tayo ang makikidamay tuwing may mamatay, may na-ospital, nakulong at nadeport.
V.
Habang tuwing pumamapasok sa remittance center, magpapakatatag at malakas,
Para sa naiwan at nasa malayo
Tayo’y hiniwalay at biniyak
Pero tandaan mong
Iisa,
Iisa,
Iisa
Ang ating diwa
Ang ating puso
Ang ating pakikibaka.
*Written for Mother’s Day Celebration 2009