Number 2: isang maikling kuwento

2 Jan

Sakit ng tiyan. Sumasakit ang tiyan ni Miranda. Malas na lang niya at sa pagtae niya, hindi pala nagfu-flush ang inodoro.

Ngayon namomoblema siya. Alam niyang may nag-aantay sa labas kasi may nagtangka nang magbukas ng pintuan. Pero locked ang banyo. Kanina pa niya inaantay na pumuno ang tangke ng indoor para subukan niyang i-flush uli, pero mukhang mapapahiya siya ngayon.

Kaya sumulip siya sa labas.  Lalake ang nag-aantay.  ‘Tang ina.  Mas nakakahiya, pero wala ka nang magagawa.  “Um, sira yung flush,” sabi niya.  “Pasensya na.  Mas mabuti sigurong maghanap ka ng ibang banyo.”  Lumabas siya at hinarangan niya ang pintuan ng banyo.

“Uh, wala nang ibang banyo ang coffee shop,” sabi ng lalake.  “Pero salamat sa babala.”

Binaba ni Miranda ang backpack niya at naglabas siya ng papel, pentel pen, at scotch tape. Isinulat niya ang OUT OF ORDER sa papel at idinikit ito sa pintuan.

“Bakit hindi mo na lang kaya iwan sa mga nagtatrabaho dito?”

Napalingon si Miranda.  “Yun na nga balak ko.  Tatawagan ko sana yung janitor para humiram ng balde.”

Tinakpan ng lalake ang bibig niya na parang tinatago ang pag-tawa.  “Nag-number 1 ka ba o nag-number 2?”

Napataas ng kilay si Miranda.  Hindi niya aakalaing didiretsuhin siya ng lalake.  “Ang kupal mo naman.  Oo na, nag-number 2 na nga ako. Ngayon, pwede bang tumigil ka na sa kapapanood sa akin?”

“Ah, sige, kunin ko lang yung balde.”

“Haa?! Nagtatrabaho ka pala dito?”

Ngumisi ang lalake.  “Parang ganun na nga.”

Tumaas ang kilay ni Miranda, tinitingnan ng masama ang lalake habang bumalik ito sa likod ng coffee shop.

Tinitingnan na siya ng isa pang customer na babae.  At sa pag-balik ng lalake, buong taray na inagaw ni Miranda ang balde.  Nang nakita niya ang hawak ng lalake, mas lalong nag-init ang ulo niya.  May hawak itong gamut na pang-diarrhea.

“Ha, ha,” sarkastikong sabi ni Miranda.  Pumasok siya sa banyo sa halakhak ng lalake.  At sa pag-iigib niya at mano-manong pag-flush, hindi na siya nahihiya kundi naiinis.

Paglabas niya, nasa likod ng cash register na yung lalake, ngumingisi pa rin, kinukuha na yung order ng isang babae.  Pansin niyang tinitigan siya nung babae ng customer na parang ‘di makapaniwala. Pero buong taray at taas-noong lumabas si Miranda sa coffeeshop.

“Miss! Miss!”

Lumingon si Miranda.  Iyung babae na customer, tumatakbo palapit.  “Salamat,” ang una nitong sabi habang naghahabol ng hininga.

“ Huh? Bakit?” balik ni Miranda. “Anong ginawa ko?”

“Ah, sa ginawa mo para kay Kuya Miguel?”

Sa litong hitsura ni Miranda, nagsalita uli iyung babae.  “Iyung lalake sa likod ng cash register?  Nagdala sa iyo ng balde? Hindi mo siya kaibigan?”

Napa-iling si Miranda.

“Hm.  Kung ganun, mas nagpapasalamat pa ako.”

“Bakit mo ba ako pinasasalamatan?”

Napabuntong-hininga ang babae. “Ah, si Kuya Miguel…ngayon ko lang siya uling nakitang tumawa.  Mula nang mamatay si Ate Edna, yung asawa niya, hindi pa siya ngumingiti hanggang ngayon. Medyo natataranta na nga kaming mga kapatid at kaibigan ni kuya.  Kasi hindi namin siya matulungan…pero kanina, napangiti mo siya muli.”

###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: