Conversations with Val, Round 2

7 Aug

ROUND 2

For Mel, on her graduation

Kung kaya mo
Halikan mo
Ang simoy ng hangin
Ang balagbag ng paa sa calsada
And kalabit ng araw nakakaunog ng balat
Para sa akin

Kung kaya mo
Yakapin mo
Ang pawis ng magsasaka
At ang kanilang bathala, lupa
Ang kapaguran ng manggagawa
Na isang araw ay magwawagi
Ang aruga ng kababaihan, ng inang bayan
Na tumitindig sa pinakamaliit na pangaapi sa kanyang mga anak
Para sa akin

Kung kaya mo
Hanapin mo
Sa sarili mo
Ang diwa na
Palaban
Nakikibaka
Nagmamahal
Para sa akin
Para sa atin
Para sa ating bayan
Written by Valerie Francisco

Hindi na Ako Manganagko

Naalala mo ba?

Nung palagi akong

Nahuhuli?

Sorry ako ng sorry.

Pero hindi niyo na kailangan

Ng sorry.
“Basta huwag ka nang ma-late,”

Ang sabi niyo.

Kung gayon,

Hindi na ako mangangako.

Gagawin ko na lang.

Tutal, pagod na siguro

Kayo at ang taumbayan

Sa mga pangako

Na madalas,

‘Di rin naman natutupad.

Hindi na ako mangangako

Na i-aalay ko buhay ko

Sa bayan.

Gagawin ko na lang.

Hindi na ako mangangako

Na babalik pa rin ako ng babalik

Gaano man kahirap

Ang pakikibaka.

Gagawin ko na lang.

Hindi na ako mangangako.

Gawa na.

Mula sa malalim na bakan

Ng pagmamahal

Para sa iyo

Para sa mga kasama

Para sa masa.

Gagawin ko na lang.

Written by Melanie Dulfo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: