Ang Pag-aasawa ay Hindi Parang Susubo ng Mainit na Kanin at Iluluwa na Lamang Kapag Napaso.

18 Jun

Ang pagiging migrante ay hindi parang susubo ng mainit na kanin at iluluwa na lamang kapag napaso

Ang pagiging migrante ay saktong sinusubo ang minit na kanin at lulunukin ito.

Kahit mapaso ang dila,

Kahit maiyak sa init.

Kailangan mo, eh.

Para ‘di ka magutom.

Kailangang gawin ng anak mo,

Kailangang gawin ng asawa mo, lolo mo, nanay mo, pinsan ng bayaw ng kumara mo.

Para ‘di magutom.

Kasi kung nagsasaing ng kanun at may mga ibong mandaragit na nakabantay sa kanin,

Ano pa ba ang gagawin mo?

‘Di bago tirahin ng mga buwakang mandaragit na ‘yan, isubo na ang mainit na kanin.

Isubo mo nang isubo.

Kain lang ng kain.

Mapaso man, hilaw man, basa man, pagpag man ito, sige,

Kain lang.

Dahil pag ubos na ang kanin at walang natira,

Isang masaklap na kinabukasan nang walang laman ang tiyan ang hinaharap mo.

Huwag na huwag mong iluluwa.

Kaharap mo man ang diskrimansyon, racial profiling,

Pagkalungkot dahil hindi mo pa nakikita ang mga anak mo ng sampung taon,

Tuloy ang kayod sa ibang bansa.

Ma-rape, makaltasan ng suweldo, mabuhay sa takot araw-araw,

Dahil wala kang papel,

Lulunukin nating ang pigiging migrante,

Para ‘di magutom.

Ang pagiging migrante ay hindi parang susubo ng mainit na kanin at iluluwa kapag napaso.

Ang pagiging migrante ay saktong sinusubo ang mainit na kanin at nilulunok ito.

One Response to “Ang Pag-aasawa ay Hindi Parang Susubo ng Mainit na Kanin at Iluluwa na Lamang Kapag Napaso.”

  1. JM February 23, 2012 at 6:34 am #

    Go Batang Ina at Ama

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: